Deltacron variant, wala pa sa Pilipinas – DOH

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na wala pa silang na-detect na kaso ng “Deltacron” sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, walang dapat ikabahala ang publiko sa Deltacron at hindi pa ito ikinokonsidera bilang ‘variant of concern’.

Aniya, wala rin silang nakikitang pagtaas ng kaso ng nakahahawang sakit sa anumang parte ng bansa.


Ang Deltacron ay kombinasyon ng lubhang nakakahawang Delta at Omicron variants ng COVID-19.

Sa ngayon, ang France, Denmark at Netherlands pa lamang sa buong mundo ang naka-detect ng naturang variant.

Facebook Comments