DEMAFELIS CASE | NBI, inatasan ng DOJ na imbestigahan ang pananagutan ng recruitment agency

Manila, Philippines – Inatasan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang NBI na magsagawa ng imbestigasyon at case build up sa posibleng pananagutan ng Mt. Carmel Global E-Human Resources Inc.

Ang naturang recruitment agency ang nagdeploy sa Kuwait kay Joana Demafelis, ang OFW na inilagay sa freezer sa loob ng isang taon.

Inatasan din ni Aguirre ang NBI na agad na magsampa ng kaso sakaling may makita silang ebidensya.


Inatasan din ni Aguirre si NBI Director Dante Gierran na magsumite sa kanya ng report hinggil sa takbo ng kanilang imbestigasyon sa recruitment agency ni Demafelis.

Facebook Comments