DEMAFELIS CASE | Recruiter ng pinatay na OFW, maaaring makalusot sa kaso

Manila, Philippines – Aminado ang Department of Labor and Employment (DOLE) na posibleng hindi mapaparusahan ang recruitment agency o ang mga nag-recruit kay Joanna Demafelis.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello, wala pang direktang ebidensya na nag-uugnay sa Our Lady of Mt. Carmel E-Global Human Resources sa mga amo ng OFW.

Dahil dito, sinabi ni Bello na wala pang kasong kriminal o administratibo na maisasampa laban sa nasabing kumpanya.


Sa kabila nito sinabi ni Bello na naipatupad naman na ang pagkansela sa lisensya ng kumpanya, at naipasara na din ito dahil sa hindi pagtiyak sa maayos na kalagayan ng mga pinaalis na OFW.

Nakikipagtulungan din ang nasabing kumpanya sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI).

Facebook Comments