Nanatiling mababa umano ang demand ng kuryente sa mga consumer ng Central Pangasinan Electric Cooperative (CENPELCO) ngayong buwan dahil sa nararanasang malamig na panahon.
Ayon kay Central Pangasinan Electric Cooperative (CENPELCO) General Manager Rodrigo Corpuz, kung ihahambing sa mga nakalipas ba buwan pumalo ng 25% ang pagtaas sa konsumo ng kuryente sa kanilang mga consumer.
Aniya, may mga oras lamang nang kaunting pagtaas ng konsumo sa kuryente.
Sinabi naman ni Dagupan Electric Corporation o DECORP Chief Operating Officer, Atty. Randy Castillan, sapat ang suplay ng kuryente sa kabila ng inaasahang bahagyang pagtaas ng konsumo bunsod ng mga pailaw.
Siniguro ng mga ito ang matatag na suplay ng kuryente ngayong holiday season.
Paalala pa rin ng awtoridad na ugaliin ang magtipid ng kuryente at iwasan ang octopus wiring sa kabila ng mga dekorasyong pamasko na posibleng maging dahilan naman ng sunog. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨