DEMAND NG PARACETAMOL SA PANGASINAN, TUMAAS

Matapos ang holiday season ay siya rin naming biglaang pagtaas ng kaso ng covid19 sa lalawigan kung kaya naman tumaas muli ang demand ng paracetamol sa siyudad ayon sa ilang may-ari ng mga botika.
Saad ni April Joy Ignacio Malbog isang pharmacist sa bayan ng San Quintin, kakaunti na rin ang suplay ng paracetamol sa kanilang botika ngayon.
“Sa ngayon po may kakulangan sa suplay ng Paracetamol,. Ang gamot na ito ay iniinom para mapababa ang lagnat”

Dagdag nito, may ibang alternatibong gamot pa naman na maaaring bilhin upang matustusan ang demand ng paracetamol sa bawat bayan ng lalawigan.
“Kakaunti po talaga ang suplay ng paracetamol dito, kaya sana iwasan po ang pag hoard at panic buying bumili lang po ng tamang halaga ng gamot na kailangan para makabili pa ang mga mas nangangailangan”
Samantala, hindi pa tiyak kung kailan ulit magkakaroon ng suplay ng paracetamol sa nasabing lugar. | ifmnews
Facebook Comments