Demand para sa essential migrant workers, trumiple pa ngayong taon

Trumiple pa ang demand para sa mga migrant workers na itinuturing na essential sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Kasabay ito ng tumataas na bilang ng kaso ng Omicron variant ng COVID-19 sa buong mundo na mas nakakahawa kumpara sa iba pang variant.

Batay sa ulat International Organization for Migration (IOM) na ibinase sa Global Migration Indicators (GMI) 2021, ilan sa mga trabahong hinahanap ay doktor, nurse at iba pang health workers.


Tinatayang nasa 170 million foreign workers ang migrant workers na nagtatrabaho sa buong bansa na mas mataas sa 53 milyong noong 2010.

Ang United Arab States ang mayroong pinakamataas na bilang ng migrant workers na nasa mahigit 41 percent ng kanilang labor force.

Facebook Comments