Demand sa bigas, inaasahang tataas hanggang sa susunod na taon

Inaasahang tataas ang demand sa bigas ngayong 2021 hanggang sa 2022 ayon sa Global Agricultural Information Network (GAIN).

Sa ulat na inilabas ng GAIN, inaasahang aakyat sa 14.6 million metric tons (MMT) ang demand ng bigas bunsod ng mataas na produktong lokal o domestic output.

Habang paliwanag pa nito, ang mataas na produksiyon ng bigas ay dahil na rin sa pagtaas ng bilang ng populasyon ng bansa kasabay ng pag-akyat ng konsumpsyon ng mamamayan.


Mag-uumpisa ang market year (MY) sa darating na Hulyo at magtatapos naman sa Hunyo sa susunod na taon.

Facebook Comments