Demand sa export ng virgin coconut oil, tumataas dahil sa COVID-19 pandemic ayon sa PCA

Inihayag ng Philippine Coconut Authority (PCA) na bumabalik na ang sigla ng export ng coconut oil.

Sa virtual presser sa DA,sinabi ni PCA Deputy Admin. Roel Rosales na tumataas ang demand sa export ng virgin coconut oil dahil nagkakaubusan ng supply nito sa ibang panig ng mundo.

Ito’y dahil na rin sa sinasabing anti-viral component nito na tinitingnang panlaban sa COVID-19 pandemic.


Ayon kay Rosales, target ng PCA na mapalakas ang industriya ng pagni-niyog upang magamit ang oportunidad sa coconut oil export competition.

Ani ni Rosales, upang mahikayat ang lahat na makapagtanim ng puno ng niyog,ginawa nilang participatory ang replanting program.

Bawat puno aniya ng niyog na maitatanim ay tutumbasan ng gobyerno ng insentibong technical at pinansyal.

May 3.6 million na ektarya ang lupang taniman ng niyog sa buong bansa habang 3.5 million ang coconut farmers na umaasa sa industriyang ito.

Sa ngayon ay nasa yugto na ang extensive research ang gobyerno sa pagtuklas ng efficacy ng virgin coconut oil bilang panlaban sa COVID-19.

Apela ng PCA sa publiko, tulungan ang industriya na sumigla sa pamamagitan ng agresibong paggamit ng lahat ng produkto na galing sa niyog.

Facebook Comments