DEMAND SA KARNE NG BABOY AT MANOK, INAASAHAN NA NG MGA TINDERO AT TINDERA SA DAGUPAN CITY

Inaasahan na ng mga tindero at tindera sa Dagupan City ang posibleng demand ng karne ng baboy at manok ngayon pumasok na ang Oktubre.

Ani ng ilang tindera, maaaring maranasan na umano nila ang pagtaas ng demand sa nasabing produkto dahil sa mga nagsisimula ngayon buwan hanggang Disyembre daw dumadami ang mga mamimili.

Bagamat hindi pa nila maihayag ang posibleng pagtaas sa presyo nito sa oras na pumasok ang buwan ng Disyembre ay tinitiyak naman nila na sariwa at dekalidad ang produktong kanilang iniaalok.

Sa ngayon, nasa 360 pesos ang presyo ng kada kilo ng karne ng baboy habang 200 pesos naman ang kada kilo ng karne ng manok.

Facebook Comments