Demand sa karne ng kuneho, tumaas!

Nakitaan ng pagtaas sa demand ng karne ng kuneho ang bansa bunsod ng epekto ng African Swine Fever (ASF) outbreak.

Ayon kay Association of Rabbit Meat Producers Incorporated (ARaMP) President Artemio Veneracion Jr., posible kasi itong gawing alternatibo sa karne ng baboy.

Nakita rin ng ARaMP na malakas ang potensyal nito sa merkado lalo na sa mga lugar ng Baguio at Boracay.


Sa ngayon, umaabot sa P450 kada kilo ang presyo ng karne ng kuneho habang production cost naman nito ay P310 hanggang P320 kada kilo.

Facebook Comments