Bahagyang bumaba ang demand sa karne ng manok sa kabila ng mataas na bilang ng iniaangkat na manok mula Enero hanggang Mayo ngayong taon.
Ayon kay United Broilers Raisers Association (UBRA) Chairman Gregorio San Diego Jr., ito ang pangunahing dahilan kung bakit hirap na makaahon ang mga local producers mula sa pagkalugi dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng lockdown.
Dahil dito, iginiit ni San Diego na kung mababa ang demand kasabay ng pag-angkat ng mas maraming karne ng manok, mapipilitan ang ilang tindera na babaan ang kanilang presyon para lamang makabenta.
Facebook Comments