Demand sa non-essential outbound travel, nananatiling mababa

Nananatiling mababa ang demand sa outbound travels sa kabila ng pagluwag ng non-essential trips nitong Oktubre.

Ayon kay Philippine Travel Agencies Association (PTAA) President Ritchie Tuaño, ang mga datos para sa outbound travel demand ay hindi pa rin nakakabawi sa mga nakalipas na linggo.

Tingin ni Tuaño, ang mga destinasyon na binuksan sa mga turista ay nananatiling limitado para sa domestic at international.


Bukod dito, nananatiling mababa ang kumpiyansa o confidence ng mga biyahero dahil karamihan pa rin ay takot na lumabas dahil sa banta ng COVID-19.

Facebook Comments