DEMAND SA PRODUKTONG GATAS NG KALABAW SA ASINGAN, TUMAAS

Inilahad ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. na nagkakaroon ng kakulangan sa suplay ng locally-produced na gatas ng kalabaw dahil sa mataas na demand mula sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno.

Sa panayam sa alkalde, gatas ng kalabaw ang natatanging kaibahan sa sangkap ng Asingan sa mga bayan na may produktong kankanen o kakanin.

Sa nakalipas na Kankanen Festival ngayong taon, nasa higit 600 litro ng gatas ng kalabaw ang libreng ipinamigay ng lokal na pamahalaan upang gamitin ng nasa higit limampung kalahok sa ilulutong kankanen.

Mahigit 700 bilao ng iba’t-ibang klase ng kakanin ang itinampok sa naturang festival.

Sa kasalukuyan, nasa 384 milking cows ang nasa pangangalaga ng kooperatibang Bantog Samahang Nayon sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments