Pumalo na sa halos 500,000 Filipino seafarers ang nakabalik at nasakay na ng barko.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Maritime Industry Authority (MARINA) Deputy Executive Director Capt. Jeffrey Solon na tumaas ito dahil sa nagpapatuloy na conflict sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Ayon kay Solon, talagang in-demand ngayon ang mga Filipino crew lalo na Ukraine.
Kaya naman, tuloy-tuloy aniya ang pagtulong nila sa manning industry upang mapabilis ang pagproseso ng mga aplikasyon upang agad na maibigay ang kanilang mga pangangailangang mapalitan ang mga Ukrainian at mga Russian seafarers.
Sa kasalukuyan, ani Solon ay maluwag at bumibilis na ang mga prosesong pinagdaraanan ng Pinoy seamen para makasampa agad ng barko bunsod ng pinaluwag na restrictions.