Demand sa transportasyon, dapat pag-aralang mabuti ng transportation officials

Hiniling ni Committee on Public Services Chairperson Senator Grace Poe sa mga transportation officials na pag-aralang mabuti ang demand o matinding pangangailangan sa pampublikong transportasyon.

Diin ni Poe, habang dumarami ang nagbubukas na negosyo ay dapat tumataas din ang bilang ng masasakyan ng publiko lalo na ang mga nagtatrabaho.

Pakiusap ni Poe sa gobyerno, huwag hayaan na walang kitain ang mamamayan dahil sa kawalan ng masasakyan o mapunta ang kanilang mas maliit na kita sa mas mahal na uri ng transportasyon dahil wala silang mapagpiliang sakyan.


Giit ni Poe, dapat din ay gawing ligtas ang bawat biyahe at tiyaking makakauwi sa tahanan ang lahat nang walang dalang sakit.

Ayon kay Poe, mahalaga ang mahigpit na pagpapatupad ng COVID-19 health protocols sa mga pasahero, drivers at enforcers tulad ng social distancing, pagsusuot ng face mask, at regular disinfection.

Facebook Comments