Demobilization plan ng Philippine contingent sa Türkiye, pinaplantsa na

Inihahanda na ng Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent (PIAHC) sa Türkiye ang kanilang demobilization plan para sa huling araw ng kanilang operasyon sa nasabing bansa bukas, Pebrero 24.

Ito’y matapos na matagumpay na makumpleto ang kanilang dalawang linggong misyon na tulungan ang mga biktima ng magnitude 7.8 na lindol sa Türkiye.

Sa ngayon naka-standby na lamang ang Urban Search and Rescue (USAR) team ng Philippine contingent dahil tapos na sila sa paghalughog sa 36 na bumagsak na mga gusali kung saan nakarekober sila ng apat na mga bangkay.


Samantala, tuloy-tuloy rin ang pagsisilbi ng Philippine Emergency Medical Assistance Team (PEMAT) sa mga walk-in patient sa kanilang itinayong field hospital sa Adiyaman hanggang sa huling araw ng kanilang operasyon.

Sa huling datos ng Office of Civil Defense (OCD) umaabot na sa 750 na mga pasyente ang nabigyan ng atensyong medikal ng PEMAT sa Türkiye.

Facebook Comments