DEMOLISYON NG ARKO SA BINMALEY CATHOLIC CEMETERY, ITINIGIL DAHIL SA UTOS NG ARCHDIOCESE OF LINGAYEN-DAGUPAN

Pansamantalang itinigil ang paggiba o demolisyon ng arko o portal sa entrada ng Binmaley Catholic Cemetery matapos ipag-utos ng Archdiocese of Lingayen-Dagupan dahil sa malawakang pambabatikos sa social media.

Sa panayam kay Catholic Cemetery Parish Coordinator Catalino Parotcha, minabuti umanong ipag-utos ang tigil-demolisyon upang ihanda ng simbahan ang mga impormasyon na kinakailangang malaman ng publiko ukol sa naturang arko.

Nakipag-ugnayan na rin umano sa Municipal at Provincial Engineering Offices ang simbahan upang kumpirmahin ang kanilang inisyal na impormasyon na hindi kabilang sa heritage site ang ginigibang arko.

Samantala, pag lilinaw din ni Parotcha, kalahati lamang ng arko ang nakatakdang gibain upang makapasok ang mga trak na magtatabon sa kaliwang bahagi ng sementeryo bilang bahagi ng Phase 1 ng reconstruction.

Giit din niya na hindi basta-basta itatapon ang mga inalis na brick dahil gagamitin muli ito sa itatayong bagong arko ng entrada sa sementeryo kapag natapos ang konstruksyon.

Sakali namang mapatunayan na isang heritage site ang arko, saad ni Parocha,hindi na itutuloy ang reconstruction ngunit hindi na papayagan ang paglilibing sa sementeryo.

Bukod pa rito, layunin din na matulungan ang mga kapos-palad na katoliko na magkaroon ng maayos na hantungan kasunod ng mga hamong pinansyal sa pagpapalibing sa ibang pribadong sementeryo.

Sa kabila nito, apela ng simbahan ang suporta ng publiko sa pagnanais na gawing holy graveyard ang himlayan at masimulan nang ihanda na maging kaaya-aya at respetado ang sementeryo ng mga susunod na henerasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments