Demolisyon sa sand embankment sa Northern Samar Beach, pinahinto ng DENR

30

Ipinatigil ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang isinasagawang excavation ng sand embankment sa beach area ng Bonbon, Northern Samar.

Ipinag-utos ng PENRO Northern Samar sa may-ari ng property na si Armida Lim na ipahinto ang paghuhukay na isinasagawa habang sumasailalim ang probinsiya sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) dulot ng COVID-19.


Kasunod naman ito ng ginawang imbestigasyon ng PENRO Northern Samar sa reklamo ng mga residente sa komunidad.

Ayon sa mga residente, nagbibigay ng proteksiyon sa kanila laban sa matataas na alon at storm surge ang naturang sand embankment.

Lumitaw sa imbestigasyon na ang embankment na may sukat na 821 square meters at may lalim na 1.5 meters, at tinatayang 1,300 cubic meters ng sand volume ay natanggal na.

Nasa 225 meters ang layo nito mula sa shoreline at may elevation na 20 meters above sea level.

Ayon kay Armida Lim, ang sand embankment ay nasa loob ng kanyang pag-aari at ngayon ay gusto niyang tibagin upang mapatag ang daan papunta sa kanyang lugar at magkaroon ng magandang tanaw ng karagatan.




Facebook Comments