Manila, Philippines – Fake news umano ang napaulat na banta ni George San
Mateo ng PISTON laban sa gobyerno kung hindi pakikinggan ang kanilang
hinaing sa PUJ Modernization Program.
Batay sa kumakalat ngayon sa online na pahayag umano ni San Mateo sa
planong pagsanib nila sa rebeldeng New People’s Army (NPA) at dalhin sa
kabundukan ang kanilang ipinaglalaban.
Kasunod ito ng Metrowide transport strike ang PISTON upang muling igiit ang
kanilang pagtutol sa jeepney phaseout.
Sinabi ni San Mateo na ‘fake news’ ang nabanggit na statement at hindi na
umano dapat patulan ng publiko.
Kasabay nito, nabanggit rin ng PISTON leader na wala pa silang opisyal na
pahayag hinggil sa panibagong tigil-pasada taliwas naman sa mga
napapabalita.
Kaya’t buwelta ni San Mateo, bahagi ito ng ‘demolition job’ ng mga kritiko
laban sa kanilang hanay at layuning gumawa ng negatibong impresyon at
pagkalito upang ma-udyok na magalit ang mga commuters.
Bagamat kinumpirma ng PISTON na magkakaroon pa umano sila ng mga malalaking
pagkilos sa hinaharap subalit i-aanunsiyo ito sa tamang panahon at forum.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>