Demurrer ni De Lima kaugnay sa huling drug case, pinaboran ng korte

Pinaboran ng Muntinlupa RTC ang apela ng kampo ni dating Senador Leila De Lima para makapaghain ng demurrer of evidence sa kanyang huling drug case.

Ang demurrer kasi ay mahalagang mosyon upang ibasura ang kaso dahil sa kakulangan ng ebidensya laban sa akusado.

Ito ang kinumpirma ni Atty. Bonifacio Tacardon ang legal counsel ni De Lima.


Ayon kay Atty. Tacardon, pinagbigyan ng Muntinlupa RTC Branch 206 ang mosyon ni De Lima sa pagdinig sa initial presentation.

Aniya, sampung araw ang kanilang hiniling sa korte para makapaghain ng motion for leave to file demurrer to evidence.

Kasunod nito, binigyan rin ang prosekusyon ng 15 days para mag- komento sa naturang desisyon.

Kung maaalala, naghain na rin ang prosecution ng formal offer of evidence laban kay De Lima at kapwa akusado nito.

Kabilang ng sworn statements, affidavits at iba pang dokumento na sumusuporta sa kanilang mga alegasyon na si De Lima ay sangkot sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison noong siya ay kalihim pa ng Department of Justice.

Matatatandaang, naipanalo ni dating Senadora De Lima ang kanyang dalawang kaso at ngayon ay isang kaso na lamang ang dinidinig ng korte.

Facebook Comments