Manila, Philippines – Magpapatupad ang Department of Health (DOH) ng Enhanced Dengvaxia surveillance sa loob ng 5 taon.
Ito ay para masusing mabantayan ang lagay ng lahat ng mga nabakunahan ng Dengvaxia.
Sa pagdinig sa Kamara, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na magdaragdag sila ng 500 na surveillance officer para mabantayan ang mga nabakunahan sa 5 libong paaralan sa buong bansa.
Aminado naman si Duque na walang antidote sa dengvaxia vaccine.
Iginiit naman ni Duque sa PAO na ipahiram sa kanila ang nakuhang tissue samples sa mga na-exhume na namatay na nabakunahan ng Dengvaxia para mabusisi ang dahilan sa likod ng pagkamatay ng mga batang naturukan nito.
Hindi naman aniya tama na ipapahukay ang bangkay ng mga batang namatay para lamang makuha ang tissue samples dahil napakabigat na nito sa mga magulang.