Dengue cases sa bansa, tumaas ng 143 porsyento; Central Luzon, nangungunang rehiyon na may mataas na kaso ng dengue

Umabot na sa 118,785 ang naitalang kaso ng dengue sa bansa mula Enero 1 hanggang Agosto 13, 2022.

Ito ay 143 porsyento na mas mataas sa naitalang 48,867 dengue cases sa kaparehong panahon noong 2021.

Ayon sa Department of Health (DOH), 18 percent ng dengue cases ay mula sa Central Luzon na nasa 21,247.


Sinundan ito ng Central Visayas na may 11,390 cases at National Capital Region (NCR) na may 11,064 na kaso.

Tumaas naman sa 400 ang naitalang nasawi dahil sa dengue na may 0.3 percent case fatality rate.

Sa nasabing bilang, 35 ang naitala noong Enero; 31 noong Pebrero; 37 noong Marso; 47 noong Abril; 62 noong Mayo; 74 noong Hunyo; 100 nitong Hulyo at 14 ngayong Agosto.

Batay pa sa DOH, nalagpasin din ng anim mula sa 17 rehiyon sa bansa ang epidemic threshold sa dengue sa nakalipas na apat na linggo.

Kabilang sa mga rehiyon na ito ang Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, CAR, at NCR.

Facebook Comments