Mula sa nasabing bilang, nangunguna ang lalawigan ng Isabela sa may mataas na kaso kung saan pumalo ito sa 1,044, sinundan ng Cagayan na mayroong 974; Nueva Vizcaya na may 344; Quirino na 70 at Batanes na mayroon lamang 7.
Kaugnay nito, Cagayan naman ang may maraming bilang ng naitalang nasawi na umabot sa lima (5) habang tig-isa lang sa Isabela at Nueva Vizcaya.
Ayon pa sa kagawaran, naidagdag ang 423 na kaso mula June 5-11, 2022 dahilan para umakyat sa halos 3,000 ang kaso ng dengue.
Batay sa reported dengue cases, mas malaki ang bilang ng mga kalalakihan na tinamaan ng dengue na umabot sa 1,330 o 55% habang 1,107 o 45% ang mga kababaihan at edad 11-20 ang most affected age group.
Taong 2021, nang makapagtala lamang ng 205 dengue cases sa parehong buwan ang rehiyon dos kung saan, isa lamang ang dengue related death case.