Dengue Cases sa Cagayan Valley, Tumaas; Bilang ng Nasawi, Umakyat sa 6

Cauayan City, Isabela- Bahagyang tumaas ang kaso ng Dengue sa lambak ng Cagayan nitong nakalipas na taon batay sa datos ng Department of Health (DOH) region 2.

Inihayag ni Dr. Nica Taloma, ang cluster head ng Collaborating Centers for Disease Prevention and Control ng Department of Health, naitala ang 1,396 na kabuuang bilang ng tinamaan ng naturang sakit sa taong 2021 na 12% higher kung ikukumpara sa taong 2020 na nakapagtala lamang ng 1,244 na kaso.

Kaugnay nito, naitala naman ng anim (6) na nasawi kung saan tatlo (3) ang mula sa Cagayan at tig-isa sa mga lalawigan ng Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino.

Kabilang naman ang probinsya ng Isabela at Nueva Vizcaya sa nakitaan ng pagtaas ng Dengue cases kung saan buwan ng Nobyembre ng maitala ang mataas na dengue cases.

Ayon pa kay Dr. Taloma, wala namang naitalang clustering ng dengue cases sa nakalipas na linggo.

Patuloy naman ang ginagawang hakbang ng ahensya gaya ng pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan para maiwasan ang lalo pang pagtaas ng kaso ng dengue.

Facebook Comments