Ayon sa kagawaran, sumipa sa 787 ang kasong tinamaan ng Dengue, mas mataas ito kumpara noong nakaraang taon na mayroon lamang 492.
Nakapagtala ng mataas na kaso nito ang lalawigan ng Isabela na umabot sa 533 habang isa ang nasawi; Cagayan na mayroong 263 cases at isa rin ang nasawi; Nueva Vizcaya na mayroong 103 cases, Quirino na may 46 at Batanes na mayroong dalawang kaso.
Batay sa kanilang pagtaya, 34% ng kanilang total cases ay kabilang sa 1-10 age group.
Ayon pa sa ahensya,isang dahilan ng pagdami ng kasong tinamaan ng sakit ay ang naranasang pag-ulan simula noong Enero hanggang Abril.
Mahigpit naman ang panawagan ngayon ng ahensya sa mga barangay na paigtingin ang tinatawag na 4S (Search and destroy, Seek early consultation, Self-protection, at Support fogging) upang maiwasan na dumami pa ang posibleng tamaan ng sakit.
Samantala, naghahanda na ang DOH sa kanilang dengue prevention program kung saan mas maraming pamatay lamok ang kanilang binili na gagamitin ng mga lugar na may mataas na kaso ng dengue.
Kabilang rin sa plano na bumili ng mosquito net na ipapamahagi sa mga paaralan na may mataas na kaso.
Hinimok naman ng ahensya ang publiko na ugaliing maging malinis sa kapaligiran at iwasan ang pag-iimbak ng tubig sa mga lugar na posibleng pagmulan ng dengue.