Ayon kay Dr. Jocelyn Bumidang, ang Assistant Health Officer, nasa 1, 300 na kaso ng Dengue sa probinsya na naghihikayat sa mga health workers na mahigpit na bantayan ang paglilinis sa iba’t ibang mga barangay.
Kaugnay nito, kabilang ang mga bayan ng Bayombong, Solano at Quezon na may mataas na kaso ng Dengue.
Nakapagtala rin ang iba pang mga bayan ng dengue cases na kinabibilangan ng Bambang na may 121, Kasibu (118), Aritao (87), Dupax del Norte (79), Sta. Fe (70), Kayapa (69), Bagabag (60), Diadi (48), Dupax del Norte (32), Villaverde (29), Ambaguio (16) at Alfonso Castaneda (10).
Ayon kay Bumidang, kinakailangan ang tulong at kooperasyon ng Novo Vizcayanos upang matigil ang pagkalat ng dengue sa lalawigan at ang regular na paglilinis sa paligid partikular sa mga lugar na may dalang dengue.
Sinabi pa niya, na pinalakas nila ang kanilang surveillance system sa lalawigan at pagsubaybay sa mga bayan na may tumaas na bilang ng mga kaso.