Dengue cases sa Pilipinas, ‘manageable’ pa – DOH

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na “manageable” ang mga kaso ng dengue sa Pilipinas.

Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, umabot sa 22,277 ang dengue cases mula Enero hanggang nitong April 30, 2021.

Mas mababa aniya ito ng 15 porsyento kumpara sa kaparehong panahon noong 2022.


Pinakamaraming kaso ng dengue ay naitala sa Central Visayas na nasa 2,905; Central Luzon na 2,858 cases at Metro Manila na may 2,339 cases.

Nasa 126 indibidwal naman ang naitalang nasawi sa dengue sa buong bansa.

Kasabay nito, nagpaalala si Cabotaje sa publiko na huwag baliwalain ang pagkakaroon ng lagnat at agad magpakonsulta sa doktor.

Pinaalalahanan din nito ang mga health facilities na maging handa sakaling tumaas ang kaso ng mga ma-o-ospital dahil sa dengue.

Facebook Comments