Dengue cases sa Pilipinas, sumampa na sa halos 74,000

Pumalo na sa halos 74,000 ang naitalang kaso ng dengue sa Pilipinas mula Enero 2022.

Ayon kay Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, umabot na sa 73,909 ang dengue cases sa bansa kung saan 18,699 dito ang naitala noon lamang June 12 hanggang July 9.

Pinakamaraming kaso ng dengue ay naitala sa Central Luzon, Cagayan Valley at Metro Manila.


Patuloy naman ang paalala ng DOH sa publiko na gawin ang 4S strategy laban sa dengue:

  • Search and destroy mosquito-breeding sites
  • Self-protection measures gaya ng pagsusuot ng mahahabang pantalon, long sleeved shirts at paggamit ng mosquito repellent
  • Seek early consultation kapag nakaranas ng sintomas ng dengue
  • Support fogging/ spraying sa mga lugar na pinamumugaran ng lamok
Facebook Comments