DENGUE FREE BARANGAY, NAPANATILI NG MARABULIG 1

CAUAYAN CITY- Bagama’t nakapagtalaga ng ilang kaso ng dengue sa Lungsod ay nananatili pa ring dengue free ang Brgy. Marabulig, Cauayan City, Isabela.

Sa panayam ng IFM News Team kay Jaimes Andres Jr., Kagawad sa nabanggit na barangay, wala pang naitatalang kaso ng dengue sa kanilang lugar ngayong taon kung saan epektibo ang kanilang ginagawang hakbang upang mapanatili ito.

Aniya, mahigpit na pinapaalalahanan ng barangay ang mga residente na laging maglinis ng kanilang kapaligiran lalung-lalo na ang pagtatapon ng mga nakaimbak na bote na may lamang tubig.


Dagdag pa niya, tuwing Sabado ay nagkakaroon ng clean-up drive sa kanilang barangay kasama ang mga 4P’s beneficiaries.

Samantala, mariing pinapaalalahanan ni Kagawad Andres ang kanyang nasasakupan na panatilihing malinis ang kapaligiran dahil lubhang delikado ang sakit na ito.

Facebook Comments