Manila, Philippines – Haharap ngayong araw si dating Pangulong Noynoy Aquino sa Commission on Elections (COMELEC). Ito ay para sagutin ang reklamong isinampa laban sa kanya kaugnay ng paglulunsad ng dengue immunization program ilang linggo bago ang 2016 elections. Nakatakda ang pagdinig mamayang alas-10:00 ng umaga. Bukod kay Aquino, pinatatawag din ng poll body sina dating Budget Secretary Florencio Abad at dating Health Secreatary Janette Garin. Una nang itinanggi ni Aquino sa mga pagdinig ng Kamara at Senado na walang iregularidad sa vaccination program at paggamit ng Dengvaxia ng pharmaceutical company na Sanofi Pasteur. Nangako rin si Garin na dadalo sa COMELEC hearing at iginiit na walang halong pamumulitika ang nangyaring immunization program.
DENGUE IMMUNIZATION PROGRAM | Dating Pangulong Noynoy Aquino, haharap sa COMELEC
Facebook Comments