Nagsagawa ng Dengue Surveillance ang Rural Health Unit Staff ng San Quintin kaugnay sa kanilang pinaigting na kampanya kontra dengue.
Dito ay kanilang nililibot ang bawat barangay upang magsagawa ng surveillance o paghahanap sa mga maaring pamugaran ng lamok.
Ilan sa mga napansin ng ahensya ay ang mga nagkalat na lumang gulong kung kaya’t ipinanawagan nila sa kanilang mga bahay na napuntahan na itaob ang mga ito, gayundin ang mga bote ng softdrinks na walang laman na itaob din ang mga ito upang hindi ma-stock ang tubig at maglinis ng bakuran.
Samantala, umaasa ang ahensya na tatalima ang mga ito sa kanilang panawagan. |ifmnews
Facebook Comments