Maguindanao – Abot na sa 293 ang nagkakasakit ng dengue sa Maguindanao habang anim na ang namamatay mula buwan ng Enero hanggang Hunyo, 2018.
Sinabi ni Maguindanao IPHO Chief Dr. Tahir Sulaik ang mga nasawi ay nagmula sa mga bayan ng Datu Odin Sinsuat, Datu Piang, Matanog at Sultan Kudarat.
Pero ayon kay Dr. Sulaik, mas mababa naman ang bilang na ito kung ikukumpara sa naging talaan noong nakaraang taon sa kaparehong panahon.
Bilang bahagi ng paggunita ng Dengue Awareness Month ay hinikayat ni Dr. Sulaik ang mga mamamayan ng lalawigan na sundin ang 4S kontra dengue upang makaiwas sa nakamamatay na sakit.
Ang 4S ay kinabibilangan ng search and destroy, self-protection measures, seek early consultation, and say no to indiscriminate fogging.
Facebook Comments