Manila, Philippines – Ipinag-utos na ng Department of Education (DepEd) na tiyakin ang kalagayan ng mga estudyante na nabigyan ng ‘dengvaxia.’
Ito ay matapos ihayag ng manufacturer ng dengue vaccine na Sanofi Pasteur na posibleng magkaroon ng mas malalang dengue infection ang mga naturukan nito na hindi pa tinamaan ng naturang sakit.
Ayon kay Education Usec. Tonisito Umali – nasa mahigit 700,000 na ang nabigyan ng unang dosage ng bakuna.
Karamihan sa mga nabakunahan ay mula sa Metro Manila, Central Luzon at Calabarzon.
Facebook Comments