Manila, Philippines – Naghain ng resolusyon si House Committee on Appropriations Chairman Karlo Nograles para magamit ang perang ini-refund ng Sanofi Pasteur sa gobyerno.
Sa House Resolution 7449 na inihain ni Nograles gagamiting supplemental budget ang 1.6 Billion pesos na ini-refund ng Sanofi.
Ito ay ilalaan para sa pangangailangang medikal ng mga batang nabakunahan ng Dengvaxia vaccine.
Kabilang sa paggagamitan ng pondo ang medical assistance, hospitalization, pagbibigay ng medical kits, out-patient care services at laboratory tests.
Iginiit ni Nograles na mas mabilis na makapagbibigay ng tulong ang gobyerno kung may supplemental budget para dito.
Ang 1.6 Billion refund ng Sanofi ay mula sa mga Dengvaxia vials na hindi nagamit matapos lumabas na may epekto ito sa mga hindi pa nagkakasakit ng dengue.