DENGVAXIA | 2 doktor ng Philippine Children’s Medical Center, pinadalhan na ng subpoena

Pinadalhan na ng subpoena ng Departmen of Justice (DOJ) sina Doctors Raymundo Lo at Dr. Sonia Gonzales, mga opisyal ng Philippine Children’s Medical Center.

Pinasisipot ang dalawa sa pagdinig ng DOJ panel na may hawak ng 2nd batch ng criminal complaints na isinampa ng mga magulang ng walong batang nasawi sa Dengvaxia vaccines.

Sa darating na Biyernes, December 14 pinahaharap ng DOJ sina Drs. Gonzales at Lo.


Una nang isinama ng Public Attorney’s Office (PAO) sa second batch ng Dengvaxia cases sina Dr. Lo na dating Assistant Executive Director ng PCMC at Dr. Sonia Gonzales dahil sa pagkakasangkot daw ng dalawa sa pagbili ng 3 bilyong pisong halaga ng Dengvaxia vaccines noong January 21, 2016.

Facebook Comments