DENGVAXIA | 4 na batang naturukan sa panahon ni Health Secretary Duque, patay!

Manila, Philippines – Apat na pamilyang namatayan ng anak ang magsasampa ng apat na criminal case sa Department of Justice ngayong tanghali sa mga umano’y responsible sa pagkasawi ng mga batang naturukan ng Dengvaxia.

Kaugnay nito, sa interview ng RMN Manila kay Public Attorney’s Office Chief Percida Acosta, ibinunyag niyang maging sa panahon ngayon ni Secretary Francisco Duque III ay apat o limang na bata na ang namamatay.

Ayon kay Acosta, noong November 2017 ipinagpatuloy pa ni Duque ang Anti-Dengue Vaccine Program sa kabila ng pagkwestyon dito.


Anya, hindi rin nakikipagtulungan ang Department of Health sa kanila dahil hanggang ngayon ay wala pa rin silang hawak na master list ng mga naturukan.

Sa kabuuan, 44 na ang namamatay sa Dengvaxia base na rin sa isinagawa nilang histopathological examination sa ilang biktima nito.

Una rito, nagsampa na rin ng kasong kriminal ang Volunteers Against Crime and Corruption at Vanguard of the Philippine Constitution Inc. laban kay dating Pangulong Noynoy Aquino at ilang mga dating miyembro ng kanyang Gabinete kaugnay ng Dengvaxia.

Facebook Comments