DENGVAXIA | 400 residenteng nabakunahan sa Mindanao, mino-monitor ng DOH

Mindanao – Minomonitor ng Department of Health (DOH) ang 400 residente ng Mindanao na nabakunahan ng Dengvaxia.

Ayon sa ahensya, bagaman sa Luzon at Visayas lamang ang sakop ng Anti-Dengue Vaccination Program, naging available na ito sa mga pribadong ospital ang bakuna bago itong bawiin sa merkado.

Pero paglilinaw ng DOH na wala pang Dengvaxia related deaths sa Mindanao.


Plano ngayon ng DOH na tukuyin ang mga nabakunahang mga bata para mabigyang prayoridad sa mga ospital sakaling magpakita ng simtomas ng dengue.

Facebook Comments