DENGVAXIA | Aquino at Abad, inimbitahang dumalo sa susunod na pagdinig ng Kamara

Manila, Philippines – Inimbitahan ng Kamara sina dating Pangulong Noynoy Aquino at dating Budget Secretary Butch Abad para dumalo sa pagdinig kaugnay sa P3.5 Bilyong Dengue Vaccination Program ng nakaraang administrasyon.

Ayo kay Buhay Partylist Rep. Lito Atienza, sila ang makakasagot at makapagbibigay linaw sa mga katanungan na “paano, kailan, saan, sino” ang nasa likod ng programa ng Dengvaxia.

Aniya, bagamat dumalo na sa nakaraang pagdinig ng Senate Blue Ribbon si Aquino ay wala namang nangyari at hindi lumabas ang katotohanan.


Giit pa ni Atienza, ang pagbili ng Dengvaxia mula sa Sanofi Pasteur ay hindi mangyayari kung hindi ito inaprubahan ni Aquino.
<#m_-4834666263076298113_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments