DENGVAXIA | Bilang ng mga nasawing batang nabakunahan, pumalo na sa higit 20 – DOH

Manila, Philippines – Nadagdagan pa ang bilang ng mga batang nabakunahan ng Dengvaxia Vaccine ang namatay.

Sa datos ng Department of Health (DOH), mula March 2016 hanggang January 24 2018 nasa 26 na ang naitalang nasawi.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, III tinutukoy pa rin ng mga eksperto kung ang kanilang kamatayan ay sanhi ng dengue vaccine.


Sinabi naman ni Health Asec. Maria Francia Laxamana mula sa 800 nabakunahan, 725 kaso rito ay nasa ‘Adverse Effects Following Immunization’ kung saan 412 rito ay nakumpirmang may dengue.

Pero iginiit naman ni Duque na mayroon ng namamatay sa dengue bago pa man isinagawa ang Dengvaxia Immunization.

Dagdag pa ng kalihim, dapat tinapos muna ng nakaraang administrasyon ang clinical trial bago isinagawa ang vaccination program.

May pananagutan din ang manufacturer na Sanofi Pasteur dahil hindi nito inilahad ang mahalagang impormasyon na nakapagpigil sana sa health authorities na ilunsad ang pagpapabakuna.

Ilalabas ngayong araw ng Panel of Experts ng Philippine General Hospital (PGH) ang resulta ng kanilang Audit sa Medical Records ng mga batang namatay matapos ang Dengue Vaccination.

Iimbitahan din ng DOH ang Forensic Experts mula sa Public Attorney’s Office (PAO).

Facebook Comments