DENGVAXIA CASE | 3 bagong kaso, isinampa ng PAO sa DOJ

Manila, Philippines – Kasama ang Public Attorney’s Office, nagsampa ang mga magulang ng mga namatay sa Dengvaxia vaccine ng ika-pito, ika-walo at ika-siyam na kaso.

Kasama sa mga naghain ng kaso sa Dept. of Justice ang mga magulang ng mga namatay na bata na sina Marc Axl Ebona, Rei Jazztine Alimagno at Alexzander Jaime.

Mga kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide , torture resulting in the death of any person, at torture committed against children at paglabag sa Anti-Torture law ang inihaing reklamo ng mga complainant laban kina…


– DOH Sec. Francisco Duque III – Dating Health Sec. Janette Garin – Dr. Vicente Belizario Jr, – Dr. Kenneth Hartigan-Go – Dr. Lyndon Lee-Suy
At iba pang dati at kasalakuyang opisyal ng DOH

Sabit din sa kaso ang mga opisyal ng kumpanyang Sanofi Pasteur na gumawa ng Dengvaxia , gayundin ang mga opisyal ng Zuellig Pharma Corporation na siyang naging distributor ng Dengvaxia sa bansa.

Ayon sa PAO, ang mga namatay ay dumanas ng multiple organ failure at brain hemorrhage.

Facebook Comments