DENGVAXIA CASE | Dating P-Noy, naglatag ng kanyang mga depensa sa isinumiteng rejoinder

Manila, Philippines – Personal na pinanumpaan ni dating Pangulong Noynoy Aquino ang kanyang rejoinder-affidavit sa DOJ panel of prosecutors.

Sa 15-pahinang rejoinder ng dating Pangulo, iginiit nito na wala pang medical findings na nagsabing ang Dengvaxia vaccine ang dahilan ng pagkamatay ng mga batang naturukan nito.

Nanindigan din si Aquino na dumaan sa ligal na proseso ang pag-apruba niya sa pagpapalabas ng pondo para sa nasabing anti-dengue vaccine.


Bahagi anya ng savings ng pamahalaan ang ginamit na pondo para sa pagbili ng ng naturang mga bakuna.

Facebook Comments