DENGVAXIA CASE | Dating P-Noy, pinayuhan ni DOJ Sec. Guevarra

Manila, Philippines – Pinayuhan ni Justice Sec. Menardo Guevarra si dating Pangulong Noynoy Aquino na sagutin na lamang sa Ombudsman ang kasong isinampa ng NBI kaugnay ng Dengvaxia case controversy.

Partikular aniya ang pag-uugnay sa dating Pangulo sa technical smuggling kaugnay ng paglalaan ng bilyong pisong pondo sa mass vaccination program ng DOH

Aminado si Guevarra na hindi niya alam ang naging takbo ng imbestigasyon ng NBI sa anomalya sa P3.5-Billion na Dengvaxia vaccines.


Nanggaling anya ang direktiba sa NBI na magsagawa ng imbestigasyon sa isyu, sa dating kalihim ng DOJ.

Sumunod lamang anya ang NBI sa naturang kautusan na magsagawa ng fact finding investigation ,at ang DOJ at ang Ombudsman naman ang siyang nagsasagawa ng preliminary investigation sa isyu.

Kahapon, kinuwestyon ng dating Pangulong resulta ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation o NBI sa kontrobersyal na Dengvaxia vaccine.

Facebook Comments