Manila, Philippines – Pumalag si Dr. Raymundo Lo ng Philippine Children’s Medical Center sa mosyon ng Public Attorney’s Office na humihiling sa DOJ na kasuhan sila kaugnay ng Dengvaxia Controversy.
Itinanggi rin ni Dr. Lo na siya ang signatory sa purchase request para sa pagbili ng Dengvaxia vaccines.
Nagbabala rin ang Pathologist na posibleng maraming mga bata ang magkasakit ngayon dahil sa kawalan ng tiwala ng publiko sa bakuha dahil aniya sa kagagawan ng PAO
Una nang inihayag ng DOJ panel of prosecutors na pag-aaralan nila kung tatanggapin ang mosyon ng Public Attorney’s Office na humihiling na isama sa 2nd batch ng mga nasampahan ng kasong kriminal ang mga doktor ng Philippine Children’s Medical Center.
partikular na pinakakasuhan ng pao sina Dr. Sonia Gonzales at Dr. Raymundo Lo.