DENGVAXIA CASE | Kaso ng mga hinihinalang namatay, umakyat na sa 65

Manila, Philippines – Base sa pinakahuling datos mula sa Department of Health, umakyat na 65 ang pasyenteng nasawi na hinihinalang may kinalaman sa Dengvaxia vaccine.

Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, nasa 3, 281 na ang mga pasyente na naospital makaraang maturukan ng Dengvaxia vaccine.

Sa higit tatlong libo na ito aniya, nasa 1,967 ang kumpirmadong dahil sa Dengue.


Gayunpaman, 98% naman aniya sa mga naospital ang nakarecover.

Sa kasalukuyan, nasa 17 million pesos na aniya ang nai-allot ng DOH para sa hospitalization assistance ng mga pasyente, mula sa NCR, Central Luzon, CALABARZON at Cebu regions.

Facebook Comments