Manila, Philippines – Binigyang diin ng Palasyo ng Malacanang na wala silang kinalaman sa inilabas na committee report ng senate blue ribbon committee kaugnay sa Dengvaxia vaccine.
Ito ang sinabi ng Palasyo sa harap narin ng pahayag ng mga nasa oposisyon na ang committee report ng blue ribbon committee ng Senado ay paraan lamang para pagtakpan ang mga issue ng administrasyon tulad ng Serreno impeachment Boracay Closure, problema sa supply ng NFA rice at iba pa.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, ang report sa Dengvaxia ay inilabas ng isang makapangyarihang komite sa Senado na hiwalay at kapantay na sangay ng gobyerno ng Ehekutibo.
Sinabi din naman ni Roque na isa sa mga mabibigat na konsiderasyon ng Ehekutibo ang report ng Senate Blue Ribbon Committee sa magiging hakbang ng pamahalaan sa issue.
Pero sa ngayon naman aniya ay inaabangan pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang report ng National Bureau of Investigation sa Dengvaxia controversy.