DENGVAXIA CONTROVERSY | Dating Pangulong Noynoy Aquino, pinababasura ang mga kinakaharap niyang criminal case

Manila, Philippines – Pinababasura ni dating Pangulong Noynoy Aquino ang kasong kriminal na isinampa sa kanya kaugnay sa P3.5-billion Dengvaxia vaccine.

Ito ay batay sa isinumite ni Aquino na kontra-salaysay sa kasong isinampa sa kanya ng grupong Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) at Vanguard of the Philippine Constitution, Inc (VPCI).

Pamumulitika lang aniya ang mga isinampang kaso laban sa kaniya gaya ng criminal negligence, technical malversation, graft at paglabag sa procurement law.


Sabi pa ni Aquino, walang merito ang kaso laban sa kanya dahil bigo pareho ang VACC at VPCI na patunayan ang kanilang mga bintang.

Sa June 22 naman pinagsusumite ng DOJ ang VACC at VPCI para sa kanilang kontra salaysay.

Facebook Comments