Manila, Philippines – Hinimok ng Public Attorney’s Office (PAO) ang Department of Justice (DOJ) na sampahan ng kasong obstruction of justice si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque kaugnay ng Dengvaxia controversy.
Sa reklamo, inakusahan ni PAO Forensics Expert Erwin Erfe ang DOH sa pagkasira ng internal organs ng mga batang nasawi matapos mabakunahan ng Dengvaxia.
Nadiskubre ni Erfe ang mga damaged internal organs nang isagawa nila ang re-autopsy sa mga biktima.
Dagdag pa ni Erfe, ang mga kaso ng damage at missing internal organs ay unang inotopsiya ng DOH.
Hinimok pa aniya ng DOH ang mga ospital na huwag payagan ang PAO na magsagawa ng awtopisya sa mga biktima.
Una nang sinabi ni Duque na malisyoso, mapang-api at ‘counterproductive’ ang mga isinampang kaso laban sa kanya.