Manila, Philippines – Inihayag ni Public Attorneys Office (PAO) Chief Attorney Persida Rueda Acosta na sinampahan nila ng kasong Obstruction of Justice si Health Secretary Francisco Duque III dahil sa pagkamatay ni Abbie Hedia 13 anyos kung saan lumaki ang puso, atay, liver at kanyang kidney, pagdurugo sa utak at walang ginagawang aksyon ang kalihim para mapigilan ang pagkalat ng mga naturukan ng Dengvaxia.
Reckless imprudence resulting to homicide ang kasong isinampa ng PAO dahil walang ginagawang hakbang si Duque para maprotektahan ang buhay ng mga naturukan ng Dengvaxia at mistulang pinipigilan pa ang PAO sa kanilang isinasagawang pag iimbestiga sa mga naturukan ng Dengvaxia.
Paliwanag ni Acosta na ang ikinamatay ni Hedia multi hermorrhage failure dahil naturukan ng Dengvaxia vaccine.
Sa ginanap na Presscon sa Manila sinabi ni PAO Chief Persida Rueda Acosta na nagsagawa ng Mass Vaxination ang DOH sa Central Luzon, Calabarzon at Central Visayas kung saan tatlo sa 47 namatay ay nagkaroon ng Dengue infection noon pa man at 13 rito ay nakumpleto ang Dengvaxia vaccination.
Ayon naman kay Dr. Erwin Erfe PAO forensic expert halos lahat daw ay nakaramdam ng pare-parehong sintomas ang mga batang naturukan ng Dengvaxia gaya ng pananakit sa tiyan, pagdurugo sa ilong,pagkahilo,pagsakit sa ulo at iba pa.