Manila, Philippines – Ibinunyag ng Public Attorney’s Office (PAO) na umamin ang Sanofi Pasteur noon 2015 sa negatibong epekto ng Dengvaxia.
Ayon sa PAO, ang pag-amin ay sa pamamagitan ng kanilang tugon sa hinihinging paglilinaw ng panel ng national formulary noong December 2015.
Ang naturang dokumento ay kasama sa mga isinumiteng ebidensya ng PAO sa kasong kriminal na kanilang isinampa sa Department of Justice (DOJ).
Sa tugon ng Sanofi, tinukoy nito na mayroong apat na panganib na kaakibat ang Dengvaxia vaccine at kasama na rito ang mas malalang sakit na dengue sa simula ng pagbakuna at ang paghina ng proteksyon laban sa dengue sa katagalan.
Pero ayon kay PAO Chief Attorney Persida Acosta, sa kabila ng pag-aming ito, ay itinuloy pa rin ng Department of Health (DOH) ang pagbili sa bakuna.
Ang PAO ang tumatayong abugado ng siyam na pamilya na namatayan ng anak matapos na nabakunahan ng Dengvaxia.