Manila, Philippines – Bumuwelta si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III kay Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Acosta dahil sa mga panibagong kaso na isinampa laban sa kanya kaugnay ng kontrobersyal na Dengvaxia immunization program.
Ayon kay Duque, walang basehan, malisyoso at counterproductive ang ikinaso sa kanya ng PAO.
Ani Duque, inuudlot lamang nito ang mga ongoing efforts ng ahensya sa pagbibigay ng maayos na serbisyo sa mga nabakunahan ng Dengvaxia.
Nasopresa si Duque sa aabot ang PAO sa paghahain ng obstruction of justice.
Banat pa nito kay Acosta, bilang abogado ay dapat alam nito na maari silang makakuha ng master list ng mga nabakunahan kung mag-a-apply siya para sa subpoena sa kaukulang ahensya tulad ng Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI).
Itinanggi rin ni Duque na consultant siya ni dating Health Secretary Janette Garin.
Nilinaw din ni Duque na ang 50,000 pesos financial assistance ay galing mula sa Office of the President at ibibigay sa mga pamilya ng mga nasawi na nakatanggap ng nasabing bakuna.